Ang Department of Agriculture ay siyang mamamahala sa konstruksyon ng mga farm-to-market roads simula sa 2026 para sa mas episyenteng pagpapatupad ng mga proyektong pang-agrikultura.
Naglaan ang PRC ng higit 2,200 volunteers at 300 first aid stations sa iba’t ibang lugar bilang bahagi ng seguridad at kalusugan ng publiko sa panahon ng Undas.
Pormal nang tinanggap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang tungkulin ng Pilipinas bilang chair ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) para sa taong 2026.
Umaasa si Pangulong Marcos Jr. sa mas malalim na kooperasyon ng ASEAN at Australia sa ekonomiya, karagatan, at klima bilang paghahanda sa 2026 ASEAN chairship ng Pilipinas.
Isang civil society organization ang kumilala sa 4Ps at PhilHealth bilang mga modelo ng makatarungan at transparent na programang nagbibigay ng tulong sa mamamayan nang walang halong pamumulitika.
Lalahok si Pangulong Marcos Jr. sa 32nd APEC Summit sa South Korea upang itaguyod ang interes pang-ekonomiya ng Pilipinas at palakasin ang regional trade partnerships.
Binigyang-diin ni DBM Secretary Amenah Pangandaman ang kahalagahan ng gender-responsive budgeting bilang mahalagang susi sa inklusibo at napapanatiling pag-unlad ng bansa.
Sa ilalim ng planong kasunduan sa kalakalan, hangarin ng Pilipinas at Canada na magbukas ng mas maraming oportunidad sa mga negosyo at magsulong ng patas at matatag na ugnayan sa ekonomiya.