Pinagtibay ni Department of Budget and Management Secretary Amenah Pangandaman ang kahalagahan ng aktibong pakikilahok ng mamamayan sa pagtataguyod ng agenda ng gobyerno para sa kaunlaran.
Pinapurihan ni Senate Pro Tempore Loren Legarda ang husay at galing sa musika ni Cecile Licad, isang kilalang Filipina pianist, na itinuturing niyang isang yaman sa mundo ng klasikong musika.
Nagbigay ng suporta si Vice President Sara Duterte sa mga opisyal at kasapi ng Philippine Army sa kanilang pagdiriwang ng ika-127 na anibersaryo sa kanilang pagkakatatag.
Inaasahan na pirmahan sa loob ng isang taon ang isang kasunduan sa turismo sa pagitan ng Pilipinas at Thailand ang “two-country, one-destination” initiative.
Inaprubahan ng DBM ang PHP1.295 bilyong Special Allotment Release Order para sa DepEd! Ito ay para sa pagpapailaw ng mga paaralan na magpahanggang ngayon ay wala pa ring kuryente.
Ayon kay DILG Secretary Benhur Abalos, ang pagpapatupad ng ‘Pulis sa Barangay’ program ay malaking tulong upang mabawi ang tiwala at mailapit ang gobyerno sa mamamayan.
Abangan ang bagong programa ng GSIS na magbibigay ng living benefit health insurance sa kanilang mga miyembro bago mag-umpisa ang ikalawang quarter ng taon!